Monday, November 14, 2011

Mga Pagsubok Lamang yan.. Wag MONG itigil ang LABAN

Buhay... Buhay... Buhay!!! Haaaayyyyy!.. parang lage nalng ganyan ang lumalabas sa bibig ko pag dumadating ang mga ganitong pagkakataon.. ang bigat dalhin parang gusto mong umiyak na ayaw mo.. ung ganun. para kaseng requirements lage na kelangan sabay sabay silang dadating pero ang tagal tagal bago mawala at malupet pa dun isa isa pa kung mawala. TIBAY! TATAG!! parang mga taygu lang at mga mare db? mga matatatag at matitibay na kaibigan.. Pero kung pwede lang talga na i-scan, i-detect at i-delete ang lahat ng problema na parang virus sa computer panigurado tepok kagad ng walang kahirap hirap kumbaga sisiw.. kaso hindi.. toinks! matindi to e khit nadetect mo na at handa ka nang ipress ang delete button hindi pwede kasi napakalayo sa tunay na buhay ang computer na one click lang solve agad.. tepok kang virus ka!!! sa tunay na buhay madami kang pagdadaanan, kelangan ng malalim na pag iisip, may mahabang proseso at higit sa lahat habang dumadaan ka dyan marami ding wrinkles at pimples lalo na pag na stress..para nga lang promo ng isang produkto ee.. "Congratulations!! because you avail your problem you can select on our free premium items: wrinkles or pimples but wait there's more you can also select the two products. Enjoy you free products! :)"

Pero sabi  nga "problems are given by GOD to test you" di ibig sabihin lahat ng problema may sagot, ang kaibahan nga lang sa exam pwede ang cheating pero dito d mo maa apply ang maparaang taktika ng tsiting.. mapaproblema man yan sa PAG IBIG, PERA, pamilya, etc. masosolusyunan yan kung gugustuhin mo at maghahanap at mag iisip ka ng solusyon. kung matatag at matitibay ang mga problema, ipakita mo na MAS MATATAG KA AT MAS MATIBAY KA. d sisusukuan ang problema, nilalabanan yan at hinahanapan ng solusyon. umiyak ka pero wag kang susuko. parang video game lang yan na may unlimited credits pag nagkamali kastart mo lang ulet para ma continue mo hanggang sa matapos mo ang laro. kung sakali man na mag brown out ka  sa gitna na laban nandyan si GOD para maging generator mo para matapos mo ang laro at masolusyunan ang problema.
Don't quit! Labanan ang Problema tulad ng paglaban naten sa tukso! and THINK POSITIVE!!